47

By

Nonoy lisensiyadong ‘bumaril’

Sabi ni coach, kapag open, tira!

Ito ang tinandaan ni rookie Mark Nonoy na kabilin-bilinan sa kanya ni UST head coach Aldin Ayo.

Nagbunga ito ng panalo para sa Growling Tigers sa unang stepladder semis match nila kontra UP Fighting Maroons, 89-69, nitong Linggo.

“Yun ang goal pero siguro ‘yun ‘yung binigay sa akin so sabi lang naman ni coach kapag open tira,” kwento ng Rookie of the Year awardee na tumapos ng 16 points, apat na rebounds, apat na assists at dalawang steals sa nasabing panalo.

“Sa panalo namin siguro ito na ‘yung pinaghirapan namin. Mga sakripisyo namin, siguro ito na ‘yung sagot pero hindi pa dito titigil kasi alam namin na hindi pa ito ‘yung goal namin as a team.”

“Nagpapasalamat kami, kasi ‘yung mga coach ginagabayan kami sa tamang pamamaraan paglaro ng basketball. Kami willing to accept kung ano pinapaggawa ni coach. ‘Yun sabi niya sa role namin, sinusunod lang namin roles namin. ‘Yun lang.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?