759

By

Nonie Buencamino nagsalita na tungkol sa suicide ng anak na si Julia

Makalipas ang ilang taon ay nagawa nang magbigay ng pahayag ng beteranong aktor na si Nonie Buencamino hinggil sa suicide ng anak nitong si Julia Buencamino noong July 17, 2015.

Sa guesting nito sa talkshow ng ABS-CBN na Tonight with Boy Abunda noong Pebrero 27, ibinahagi ng award-winning actor ang kaniyang mga napagtanto nang dahil sa nangyari sa anak.

“It’s closer to I’m not afraid to die. It has something to do with my daughter passing away, which is so unexpected. It made me realize that puwedeng mangyari anytime. Yung pag-asikaso ko sa kanya sa pagkamatay, nakita ko siyang patay dun sa harap ko. And then it makes me realize it happens to everybody and it’s bound to happen. And it happened so early with her, and it can happen to me tomorrow.”

Binasag na umano ng aktor ang kaniyang katahimikan upang ipaalala sa mga magulang na dapat silang maging aware sa mga activities at nararamdaman ng kanilang mga anak.

Pahayag ni Nonie, hindi nila alam ng kaniyang asawang si Shamaine na may malalim na pinagdaraanan na pala ang kanilang anak na nakaapekto nang labis sa mental health nito hanggang sa nauwi na nga sa suicide.

“Marami siyang itinago sa amin. Marami siyang front. I would like to think she’s a good actress. And she was able to hide it,” dagdag pa ni Nonie.

Sa diary, mga tula at mga art work ni Julia lamang nila nalaman ang pinagdaanang depression nito.

“Pero ang dami niyang itinago sa diaries niya, sa art work niya, sa kanyang poetry.Dun lang namin nakilala kung ano yung pinagdadaanan niya. So she was going through a deep form of depression and she was hurting herself from the time she was 12 until she was 15. Yung mga bagay na hindi magandang nangyayari sa kanya, parang akala namin normal lang. Nakipag-away sa classmate niya, yun pala malalim pala. Meron pala siyang form of illness and that makes it worse.Kasi yung perception nag-iiba dahil sa merong chemical imbalance,” kwento pa ni Nonie.

Nag-iwan din ng paalala si Nonie sa mga kapwa niya magulang para sa mga anak.

“Look more deeply into the activities of your children and what they’re doing and what they’re going through.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?