38

Mar 26, 2020 @ 13:28
By

Nograles nag-self quarantine

Nagboluntaryong self-quarantine si Cabinet Secretary Karlo Nograles makaraang magpositibo sa COVID-19 test si ACT-CIS congressman Eric Yap.

Sinabi ni Nograles na kahit maikukunsiderang “second generation” na sila ng mga taong nakahalubilo ni Yap at hindi kailangang mag-self quarantine ay minabuti nitong magtrabaho na lamang sa bahay.

“Kaming mga kasamahan nila sa gabinete, second generation kami. Wala naman sa protocol na mag-quarantine kami pero ang ilan sa amin minabuting mag-voluntary self -quarantine na lamang at mag-work from home ako na lang po ako,” ani Nograles.

Sinabi ni Nograles na ayaw ng Palasyo na mapunta ang atensiyon sa mga pulitiko dahil ang kalaban ngayon ng bansa ay ang mabagsik na coronavirus disease 2019.

“Ang nangyayari kasi ngayon, kapag may pulitikong nag-positibo may piblic displeasure. Ayaw namin na yung atensiyon mapunta sa mga politko. Ang atensiyon dapat naka-focus lahat sa COVID-19. Huwag nating tingnan kung sino yung dapat, sino yung hindi,” dagdag pa ni Nograles.

Tiniyak naman ng kalihim na tuloy pa rin ang kanilang tabaho sa Inter-Agency Task Force for The Management of Emerging Infectious Diseases kahit nasa bahay, sa pamamagitan ng teleconferencing.

“Yung gustong mag-voluntary quarantine at mag-work from home ay dapat magsabi na. Pero lahat kami sa IATF thru telecon na lang para walang masabi ang mga tao,” wika ng kalihim.

Nauna nang nag-self quarantine sina Senador Bong Go, Budget Secretary Wendel Avisado at Social Welfare Secretary Rolando Bautista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?