57

By

Nobyembre 8 dineklarang PH Environmental Planning Day

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Nobyembre 8 ng kada taon bilang “Environmental Planning Day of the Philippines”.

Layon ng nilagdaan niyang Proclamation No. 847 na mapalawak pa ang awareness sa kahalagahan ng urban, regional at environmental planning.

Pinagdiriwang din worldwide ang Nov. 8 bilang “World Town Planning Day” na layon namang tumaas ang kamalayan sa environmental impact ng urbanization.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?