83

By

No KD, no problem! Curry, GSW kinuha ang G1

Hindi na kinailangan ng Golden State Warriors ang tulong ni Kevin Durant para madomina ang Portland Trailblazers sa Game 1 ng Western Conference Finals.

Kinailangan pa rin ni Durant ng pahinga, nagkaroon ng calf injury matapos ang Game 5 sa semis match kontra Houston Rockets.

At sa kawalan ng star forward, nagpakitang-gilas ang two-time league MVP na si Steph Curry, umiskor ng 36 sahog pa ang pitong assists at anim na rebounds.

Samantala, nakaayuda naman ang isa pang ‘Splash Brothers’ na si Klay Thompson, gumawa ng 26 points habang si Draymond Green ay kumolekta ng 12 points at 10 rebounds.

Nagpatuloy ang panlalamig ni Damian Lillard, umiskor man ng 19 points, 4 of 12 shooting lang sa field.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?