134
ABANTE-TNT-huli-shabu
By

No. 8 most wanted person ng Rizal, huli

Kulungan ang bagsak ng kinikilalang No. 8 most wanted person matapos ilatag ang warrant of arrest ng pinagsanib na Rizal PNP sa Barangay Dalig, Cardona, Rizal kahapon.

Nakilala ang suspek na si Rudy Senobio, 34-anyos, mangingisda, at residente ng Sitio Buluran, Barangay Dalig, Cardona, Rizal.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Rizal Provincial Director Police S/Supt. Lou Frias Evangelista, si Senobio ay kabilang sa notoryus na Senobio Group na kasapi sa nagaganap na criminal activities tulad ng murder, theft at illegal drugs na nag-o-operate sa Cardona, Rizal at ilang katabing bayan.

Inaresto si Senobio bandang alas-tres ng hapon ng Martes sa pinagtataguang bahay sa Magsaysay St., Barangay Bayugo, Jala-Jala, Rizal, ng pinagsanib na puwersa ng Intel/Warrant Operatives ng Provincial Intelligence Branch ng Rizal PPO kasama ang Jala-Jala Municipal Police Station at Cardona Municipal Police Station dala ang bisa ng warrant of arrest na may kasong murder.

Inisyu ang warrant na may criminal case 18-741 ni Hon. Judge Ma. Conchita Lucero-De-Mesa ng Regional Trial Court 4th Judicial Region, Branch 70, Binangonan, Rizal at walang inilaang piyansa.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Rizal detention cell habang hinihintay ang pagdinig sa korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?