43

By

No. 4 most wanted sa EPD, timbog

Matapos ang siyam na taong pagtatago ay nalaglag na sa kamay ng batas ang tinaguriang number 4 most wanted person ng Eastern Police District (EPD) matapos matukoy ang lugar na pinagtataguan nito kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Gilbert Panoso, nasa hustong gulang, ito ay nadakip matapos ang ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Ofelia Calo dahil sa kasong homicide.

Napagalaman na dakong alas 6:20 ng gabi ng sugurin ng mga tauhan ng District Inteligence Unit (DIU) at District Special Operation Unit (DSOU) ng EPD ang pinagtataguan ng suspek sa kahabaan ng Sto. Rosarion Barangay Plainview ng nasabing lungsod bitbit ang warrant of arrest laban sa suspek.

Lumalabas sa ulat na napatay ni Panoso ang dating kapitbahay na si Maca Piolito noong Hulyo 29, 2009 matapos na magtalo ang dalawa hinggil sa hindi mabatid na bagay sa dati nitong tinitirhan sa Barangay Welferville ng lungsod na ito.

Mula noon ay nagtago na ito hanggang sa isang impormasyon ang natanggap ng pulisya na ikinaaresto nito kamakalawa ng gabi. (Edwin Balasa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?