51

By

No. 3 most wanted ng Cainta, nasakote

Kulungan ang bagsak ng kinikilalang No. 3 most wanted person ng Cainta matapos lagakan ng warrant of arrest sa kasong illegal drugs, Marso 1 ng hapon sa Barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Rizal Police Provincial Director, Police Colonel Lou Frias Evangelista, nakilala ang suspek na si Reynaldo Margate y Bolor, 46-anyosl at residente ng San Buena Compound, Barangay Sto. Domingo, Cainta.

Inaresto ang suspek bandang 1:30 Marso 1 ng hapon ng mga tauhan ng Cainta Municipal Police Station dala ang warrant of arrest sa kasong illegal possession of dangerous drugs na inisyu ng RTC Branch 71 sa Antipolo City ni acting presiding Judge Jacqueline Ongpauco-Cortel.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Cainta Municipal Police Station habang hinihintay ang pagdinig sa korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?