552

Feb 13, 2020 @ 19:22
By

NLEX ni MVP binebenta, binabarat

Nabunyag na mula sa ilang malalaking kompanya na nagnanais magkaroon ng prangkisa sa Philippine Basketball Association ang posibilidad na mabili ang NLEX Road Warriors.

Napag-alaman sa isang impormante nitong Biyernes, na nagkausap na ang isang malaking kompanya at ang pamunuan ng Road Warriors hinggil sa bilihan ng isa tatlong PBA team na nasa ilalim ni Manuel V. Pangilinan o MVP Group.

Pero hindi pa nagkatuluyan dahil binabarap si MVP ng buyer.

“Actually may mga buyer na pero binabarat nga lang. May isang halos done deal na, pero inaalam pa iyung ibang mga detalye hinggil sa iba’t-ibang kontrata ng mga player,” salaysay ng source.

Una nang nilathala ng Abante/Abante TONITE ang posibilidad na magkaroon ng isang independent team sa pro league sa pagbenta ni Pangilinan sa isa niyang PBA franchise.

“Inilalako na nga ang team pero wala pang takers. Masyadong malalaki ang sahod ng mga player kaya binabarat ng mga gustong bumili,” hirit ng source.

Nanguna ang Road Warriors Governor’s Cup eliminations na una sa prangkisa, subalit nasorpresa ng NorthPort Batang Pier sa quarterfinals.

Kapapapirmahin lang din ng Road Warriors sa rookies kaya hindi mahahalata na nakalinya ito sa bentahan lalo’t sa isang buwan na magbububukas ang 45th PBA season para sa Philippine Cup 2020.

Isiniwalat ng isang source na sadyang tagilid na ang lagay ng prangkisa at matagal na itong nais ibenta ng patunay ang paunti-unting pagbitaw sa ilang mga de-kalibreng manlalaro.

Kinunan ng reaksyon si PBA Commissioner Wilfrido Marcial pero hindi sumasagot sa mga tawag. Maging si NLEX coach Yeng Guiao din.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?