85

By

NLEX biglang bawi sa pagbitaw kay Taulava

Atras-abante ang NLEX kay veteran big man Paul Asi Taulava.

Nilagay sa unrestricted free agent list with rights to salary (UFAWR2S), pero binawi rin agad at ginawang unrestricted free agent.

Nagbago ng isip ng Road Warriors sa tuluyang pagwala ito sa team.

“May usapan na yan. Pinapaayos lang namin yung tuhod niya,” anang isang team insider na nag-aasikaso sa basketbolista.

Ayaw maulit ng NLEX na peligrong paglaho ni Taulava sa team gaya nang nangyari sa sister team Meralco na pagkalagay kay Jared Dillinger sa UFAWR2S, pumirma sa Ginebra at walang napala.

Biglaang lumagda sa Gins offer si Dillinger. Hinayag ng Bolts sa pagsira sa maginoong usapan ang player.

‘Di pa nakakalaro si Taulava hanggang sa season-ending Governor’s Cup dahil sa knee injury, nalagay pa si starting center Poy Erram sa injured list kaya nire-activate si Papot Paredes

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?