33

By

NKTI kailangan ng blood donors para sa mga lepto patient

Umaapela ng tulong sa mga blood donor ang Department of Health-Multispecialty Hospital na National Kidney and Transplant Institute (NKTI) para sa kanilang dumaraming pasyenteng may sakit na ‘leptospirosis’.

Maging ang social media ay ginamit na ng ospital para manawagan. Gusto kasi nilang maisalba ang buhay ng mga pasyenteng may lepto, na madali umanong maikalat lalo na sa mga bahaing lugar dahil sa ihi o dumi ng mga dagang pinagmumulan nito.

Ang urgent call for blood donors ay sinagawa dahil mahigit na sa 1,000 katao ang may sakit na leptospirosis sa buong bansa.

Nabatid na anim na lepto patient ang nasa kritikal na kondisyon at maging ang multi-purpose hall ng ospital ay ginawa nang ward para ma-accomodate ang lepto patients.

Sa programang “The Gift of Life” hinihikayat ang mga nagnanais na magkaloob ng dugo sa NKTI blood bank anumang araw mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?