84

By

Ninang ko ‘yun! Marian ayaw makumpara kay Kris

Hindi palagay si Marian Rivera kapag ikinukumpara siya kay Kris Aquino sa dami ng ineendorsong produkto.

Ani Marian, ayaw niya ng comparison lalo’t ninang niya si Kris.

Malaki aniya ang respeto niya kay Kris dahil iba ang narating nito kumpara sa ibinigay naman sa kanya ng Diyos.

“Ang hirap mag-compare ng isang tao sa isang tao, so walang comparison. Ayoko ng comparison at ninang ko ‘yan, nirerespeto ko ‘yan. Iba ang narating niya, iba ang ibinigay sa akin ng Panginoon,” pahayag ni Marian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?