308

Apr 8, 2020 @ 14:43
By

Niña Jose nakahawa ng COVID

Matapos magpositibo sa COVID-19 ang dating PBB housemate na si Niña Jose at ang mister nito na si Pangasinan Mayor Cezar Quiambao, tinamaan din ng naturang virus ang mga magulang nito pati dalawa pang malapit na kamag-anak.

Sa Facebook post ng aktres kamakailan, inilahad niya kung gaano kalala ang pagsubok na hinarap niya at ng kanyang pamilya.

Pero dahil sa nangyari ay mas lalo raw tumatag ang kanyang pananalig sa Diyos.

“I just want to say, how miraculous and loving and merciful our God is. The past few weeks has been such a rollercoaster of trials and testing of faith. My husband, both my parents and people I consider my 2nd parents were tested positive for Covid… nevermind Me… but the people I love. Then I lost 2 of the people I loved…..” pahayag ni Niña.

Inilahad pa niya kung ano ang mga aral at realization niya habang nangyayari ang mga bagay sa kanila ng kanyang pamilya.

“I was going crazy… To be isolated in different places and be alone for days that seemed to be months was so life changing. The days I was all alone, I got closer to God. He was the only one with me and Mama Mary. I was drawing strength from them with everything that was happening. Asa Kanila ka Lang talaga kakapit. You realise nothing else matters in life, but God and the people you love,” dagdag pa niya.

Hindi na niya binigyan pa ng detalye ang tungkol sa dalawang mahal niya sa buhay na nawala.

Pero kahit na ganoon, bago matapos ang buwan ng Marso ay may post pa siya tungkol sa dalawang taong malapit sa kanya at nagpapaalam siya.

Makikita siya na nagpapaalam sa kanyang Tito Henry at makalipas naman ang isang linggo ay nagpaalam naman siya sa kanyang Tita Julie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?