549

May 20, 2020 @ 20:56
By

Nilagyan ng P200M patong sa ulo: Angel Locsin nagpasaklolo sa NBI

Nanawagan sa National Bureau of Investigation (NBI) si Angel Locsin matapos isang netizen ang mag-alok ng P200 milyon para ipapatay siya pati na ang mga kapwa niya Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Coco Martin.

“Isa ka ba sa mga supporter ni Pangulong Duterte at GMA? Pwes, I will give you 200-million sa sinumang mga Duterte at GMA supporters ang makakapatay kina Kim Chiu, Coco Marin, at Angel Locsin. Makakasama nyo ang NPA para pasabugin ang ABS-CBN Compound,” saad ng netizen na si NJ Abellanosa.

Ibinahagi ni Angel ang screenshot ng pahayag na ito ng netizen at nilagyan niya ng caption na, “Hello, NBI? Beke nemen po…”

View this post on Instagram

Hello, NBI? Beke nemen po…😅

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?