51

By

Nievarez sinagwan ang ginto sa SEAG rowing

Sinungkit ng Pinoy rower na si Cris Nievarez ang unang gintong medalya ng Piipinas sa rowing event sa 30th Southeast Asian Games.

Sa Triboa Bay, Subic nitong Sabado, naungusan ni Nievarez ang ibang katunggali sa men’s lightweight single sculls sa oras na 7:34.27 para sa gintong medalya.

Malapit naman ang silver medalist na si Siripong Chaiwichitchonkul sa oras na 7:35.01.

Nakasama naman sa podium ang pambato ng Indonesia na si Kakan Kusmana sa clock na 7:39.54.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?