384
Nicko sa isyu ni Kris kay Ipe: Huwag kang pa-victim
By

Nicko sa isyu ni Kris kay Ipe: Huwag kang pa-victim

Nag-react si Nicko Falcis sa panibagong isyu ni Kris Aquino laban kay Phillip Salvador, na ama ng panganay niyang si Joshua.

Sa kanyang Instagram ngayong araw, March 2 ay ibinahagi ni Falcis ang video clip ng opinyon ni Cristy Fermin tungkol sa isyu nina Kris at Phillip sa programa niyang “Cristy Ferminute”.

Ani Fermin, dahil umano sa ginawa ni Kris na idinamay pa ang anak na si Joshua sa isyu ng hindi niya nagustuhang biro ni Bong Go tungkol sa pangloloko umano ni Ipe, ay marami tuloy sa social media ang nagsasabing diversionary tactic lang ito ni Tetay para mapansin dahil dalawa sa walong kaso umano niya laban kay Falcis ang naibasura.

Inayunan ito ni Falcis at nagpasalamat kay Fermin dahil umano sa pagsasabi ng “truth”.

Dapat din umanong huwag maging pa-victim si Kris.

“Do not play the victim to the circumstances you created. Self-pity is the easiest way to create unilateral misery. While kids are innocent, she definitely is not. Thank you to all concerned netizens who keep sending us important information to remain vigilant and steadfast about her vile manipulations. Thank you, Cristy Fermin for the truth. Let’s end the #Krisis,” sabi ni Falcis sa caption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?