134
Nicko ‘grateful’ sa pagbasura sa kasong isinampa ni Kris
By

Nicko ‘grateful’ sa pagbasura sa kasong isinampa ni Kris

Malaki ang pasasalamat ni Nicko Falcis sa pagkaka-dismiss sa kasong qualified theft na isinampa laban sa kanya ni Kris Aquino.

“Dismissed. The truth may hurt for a little while, but a lie hurts forever… GRATEFUL and HUMBLED #NoToBullying Let’s end this #Krisis,” sabi ni Nicko sa caption ng screenshot ng Pep article tungkol sa dismissal ng kaso.

Si Nicko Falcis o Nicardo Falcis ay dating project manager ni Kris, na kinasuhan ng huli ng qualified theft dahil umano sa paggamit nito sa credit card ng kumpanya ng aktres sa personal nitong gastusin. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?