10

May 20, 2020 @ 14:53
By

NFL star Tom Brady nag-ensayo na sa bagong team

Sa bagong uniporme na nga makikita ang NFL star na si Tom Brady.

Sa unang pagkakataon, nakita ng publiko na sumabak sa ensayo si Brady kasama ang kanyang bagong team.

Suot ang uniporme ng Buccaneers ay nag-ensayo ito kasama ang mga bagong teammate.

Mula 2000 hanggang 2019 ay naglaro si Brady para sa New England Patriots at nakakuha ng ilang MVP awards at naging Superbowl champion din.

Ngayon, nasa Tampa Bay Buccaneers na ito suot ang kulay orange na uniporme.

Ang ensayo ni Brady kasama ang ilang teammates sa Buccaneers ay tumagal din ng dalawang oras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?