155

By

Neymar inalay ang goal para kay Kobe

Kahit sa larangan ng football, dama ang presensya ni NBA legend Kobe Bryant.

Sa pagpanaw ni Kobe sa isang helicopter crash kasama ang kanyang anak na si Gigi, maraming nagdalamhati at isa na rito ang Brazilian football star na si Neymar.

Matapos ang balitang pagpanaw ni Kobe ay may laro si Neymar para sa Paris Saint-Germain kontra Lille.

At nang maka-goal, imbes na magdiwang ay humarap sa camera si Neymar at sinenyas ang number 24, ang jersey number na sinuot ni Kobe sa Lakers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?