12

May 22, 2020 @ 16:16

Nets Big 3: Beal sasali kina Durant, Irving?

Dalawang super scorer na ang nasa Brooklyn Nets sa katauhan nina Kevin Durant at Kyrie Irving.

Ngunit hindi pa tapos sa pagsungkit ng star caliber player ang team para mabuo ang kanilang championship contender roster.

Sa ulat ng New York Daily News, may nabubuo na umanong usapan sa pagitan ng Washington Wizards at Nets para mailipat sa Brooklyn si Bradley Beal.

Si Beal ay ang ikalawa sa scoring ng NBA sa suspendidong 2019-20 season, na nag-aaverage ng 30.5 points kada laro.

Ang Nets naman ay nasa seventh seed ng Eastern Conference, magandang posisyon kahit hindi pa nakapaglalaro si Durant dahil sa Achilles injury, at matagal ding natambay si Irving dahil din sa health condition.

Dati nang sinabi ni Beal na nais niya sanang tapusin ang kanyang career sa Washington, ngunit posibleng magbago ito sa tsansang makalapit sa NBA Larry O’ Brien trophy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?