718

Apr 6, 2020 @ 21:38
By

Netizen hagalpakan: Mayor Joy bumida sa `Crash Landing On You’

Muling bumida sa social media si Mayor Joy Belmonte nang gawan ito ng video ng isang netizen na ang mensahe ay salin sa wikang Korea na kuha sa blockbuster na Korean drama na `Crash Landing on You’ o CLOY.

Sa facebook page na pinost ng isang J.P Adrian ay ginawan niya ng video ang mayora.

Habang nakikinig/nanonood ng kunwaring balita sa TV ay pinalitaw nitong si Mayor Joy ang TV news anchor, pero ang ginamit na salita sa pagbabalita ay mga linya ng bidang babae sa patok na CLOY.


Caption pa nito: Maling Crash Landing On You `ata na-download ko.

Di naman ito nakaligtas sa mata ng social media.

Ramdam ang kanilang hagalpakan at ginawa itong katatawanan ng mga avid fan ng CLOY na pinagbibidahan nina Hyun Bin at Son Ye-jin.

Sa ngayon ay 16K likes na ito at 9,845 shares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?