105

By

Net satisfaction rating ni Duterte ‘record-high’ uli sa Q4 ng 2019

Panibagong record-high ang nakuhang public satisfaction rating sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa latest survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) noong Lunes, 82 percent ng mga Pilipino ang masaya sa trabaho ng Pangulo habang 10 porsiyento lang ang dissatisfied.

Kumpara sa resulta ng September-December 2019 survey, tumaas ng apat na porsiyento ang rating ng Presidente mula sa 78 percent.

Nabawasan din ang dissatisfied sa kanyang performance na mula sa dating 13 percent ay naging 10%.

Umakyat ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa “excellent” mula sa dating “very good”.

Isinagawa ang survey ng December 13-16, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?