336

By

Neri mas gustong may hiwalay na property kay Chito

Matapos makapagpundar ng sariling bahay, napatanong si Neri Naig, asawa ng ‘Parokya ni Edgar’ vocalist na si Chito Miranda, kung sino ang dapat humawak ng pera, si mister o si misis?

Ito’y matapos magtaka ang isang netizen na nagtanong kung hiwalay na ba sila ni Chito dahil parang hindi ito pinasalamatan o tila para sa kanya lang ang naipundar na bahay.

“ ‘Di ko gets minsan kung bakit big deal sa iba na may kanya kanya kaming pera ng asawa ko. Yes, may conjugal properties. Pero iba rin yung may sarili kang ipon at investments galing sa sarili mong pagsusumikap. Nakakaproud yun bilang babae at bilang housewife na nakagawa ng way para makapag ipon,” saad ni Neri.

Kaya naman humingi siya ng opinyon sa kanyang mga follower sa Instagram kaugnay nito.

View this post on Instagram

Di ko gets minsan kung bakit big deal sa iba na may kanya kanya kaming pera ng asawa ko. Yes, may conjugal properties. Pero iba rin yung may sarili kang ipon at investments galing sa sarili mong pagsusumikap. Nakakaproud yun bilang babae at bilang housewife na nakagawa ng way para makapag ipon. Gumagawa ako ng bagong blog ngayon. Di ako expert sa relationship, sa marriage, o sa lahat nga bagay, hehe! Pero ang ishinishare ko ay nakabase lamang sa aking experience at sana makuhanan ng aral at inspirasyon sa mga followers ko. Iba't iba man ang ating opinyon at set up sa bahay at buhay, gusto ko pa ring marinig ang mga side ng bawat isa. Kung may katanungan tayo sa kung ano ba sa tingin natin ang dapat. Ang masheshare nyo sa ating lahat ay malaking tulong po, lalo na sa mga kagaya kong bago pa lamang ang pamilya. Bago ko matapos ang blog na sinusulat ko ngayon, gusto kong mabasa ang mga opinyon ng bawat isa upang sa gayon ay mas mapalinawagan po ang lahat kung ano nga ba ang dapat na set up.

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on


Sumagot ang ilang netizen, na naging samu’t sari ang reaksyon na makatutulong upang maintindihan ang financial obligations ng bawat mag-asawa.

“Husband and wife must have one savings account, it breeds unity and partnership. United in one common goal . In agreement where the money should be spent. Having 2 accounts is like sleeping in 2 separate beds,” saad ni @wabisabi1928.

“as babae wag dapat umasa sa pera ni lalaki. i agree wif u wais na misis.. independent woman dont rely on husbands money, she can really earn for herself a money from him is just a BONUS” paniniwala naman ni @myla.okamoto0710.

“Sa household namin kanya kanya kaming pera ng hubby ko pero joined decision kung ano ang mga paggamitan ng aming mga pera, hati kame sa lahat ng bagay…” eksplika naman ni @warrior_baby.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?