87

By

Nene natagpuang nakagapos at puro pasa sa Cainta

Pinangangambahan ng mga doktor na posibleng magkaroon ng traumatic brain injury ang siyam na taong gulang na bata na natagpuang nakagapos at tadtad ng sugat at pasa sa ilalim ng Ortigas Extension Bridge sa Cainta, Rizal, Miyerkoles ng madaling-araw.

Batay sa nakalap na report, isang Jose Abarera ang nagbigay-alam sa Cainta Police at tinulungang dalhin ang bata sa Cainta Municipal Hospital para malunasan.

Ayon kay Dra. Shimora Eireen Pasera, physician on duty ng Cainta Municipal Hospital, maaaring nagtamo ang biktima ng traumatic brain injury dahil malala ito nang dalhin sa pagamutan.

Sinabi pa nito na nakitaan ng ligature marks sa leeg ang biktima na tangkang binigti ang bata.

Nakitaan rin ng pagdurugo ang mga tenga ng biktima at sumusuka ng dugo na posibleng nakaranas ng matinding pambubugbog.

Base sa obserbasyon ng mga doktor, ligtas na sa panganib ang biktima pero kailangang ilipat ng ibang pagamutan para ma-CT scan upang masuring mabuti ang ulo at utak nito.

Ayon sa Cainta Police, tumanggi muna ang pamilya ng bata na magbigay ng komento hinggil sa nangyari sa bata habang nasa ilalim pa sila ng masusing imbestigasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?