141

Dec 23, 2019 @ 15:24
By

Negosyante tinambangan sa Laguna

Sugatan ang isang negosyante at isang pasahero sa insidente ng pamamaril sa Los Baños, Laguna nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Leonardo Mangubat, 51, isang negosyante sa bayan ng Pila.

Tinamaan naman ng ligaw na bala sa lugar ang pasahero ng jeep na si Joann Alganion, 32.

Sa inisyal na ulat, nangyari ang pananambang sa biktima ng riding in tandem dakong alas-9:30 ng umaga, Disyembre 23 sa national highway sa Barangay Maahas.

Sakay si Mangubat ng kanyang sports utility vehicle nang lumapit sa driver’s side ang tandem saka siya pinagbabaril ng maraming beses.

Kapwa naman nasa stable nang kondisyon ang dalawang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?