15

By

Negosyante pinagbabaril sa tricycle

Patay ang isang 64-anyos na negosyante matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding in tandem, Martes ng gabi sa Daraga, Albay.

Dead on the spot matapos magtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Erilberto Lomerio, residente ng Barangay Mabini ng nabatid na bayan, may pagawaan ng pamaypay.

Ayon kay Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5, naganap ang insidente alas-6:40 ng gabi sa kahabaan ng Purok 2, Barangay Mabini ng nasabing bayan.

Lulan ng traysikel ang biktima upang sunduin sana ang babaeng anak sa trabaho nito nang pagbabarilin ng mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Nakuha pang isugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktima subalit idineklara rin itong dead on arrival ng sumuring doktor.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?