278
ABANTE TNT pulis baril patay dead crime sekyu
Nov 16, 2019 @ 14:47
By

Negosyante niratrat sa loob ng kotse

Nasawi ang isang negosyante matapos na pagbabarilin ng mga naka-bonnet na gunmen habang nakasakay sa kotse sa Alaminos, Laguna, Biyernes ng hapon.

Natadtad ng tama ng bala at patay na nang dumating sa ospital ang biktimang si Mark Anthony Castro, 41, residente ng Barangay San Juan.

Batay sa report ng pulisya, ang biktima ay pinagbabaril alas-5:10 ng hapon habang nasa passenger seat ng Honda City na minaneho ng babaeng driver na si Neslyn Garcia habang tinatahak ang Calabarzon road na patungong Lipa.
Nag-overtake ang sasakyan ng mga suspek sa Barangay Sta Rosa at hinarangan ang kotse ng mga biktima.

Bumaba ang mga gunman na nakasuot ng itim na long sleeve at bonnet at saka niratrat ang passenger sideng kotse gamit ang mahabang kalibre ng baril.
Agad ding tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Lipa.
Iniimbestigahan pang mga pulis ang pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?