148
9 kaso ng pagkalunod, naitala ngayong Abril
Dec 30, 2019 @ 16:45
By

Negosyante nalunod sa El Nido

Patay ang isang 45-anyos na negosyante matapos itong lumangoy sa dagat nang walang suot na life jacket, Linggo ng umaga sa Helicopter Island sa El Nido, Palawan.

Sinubukan pang isugod sa Medical City sa nasabing bayan ang biktimang si Oliver Tan Ong, negosyante at residente ng Barangay Buwayang Bato, Mandaluyong City.

Sa ulat ng El Nido Municipal Police Station, nagtungo sa Helicopter Island ang biktima kasama ang ilang kaibigan upang magbakasyon.

Nagkayayaang mag-island tour ang magkakaibigan at languyin ang bangkang de-motor nang walang life jacket ilang metro ang layo mula sa pampang.

Subalit sa gitna ng paglangoy ng magkakaibigan ay nakita nila ang biktima na nakalutang na sa dagat at walang malay kaya agad nila itong tinulungan upang ibalik sa pampang at agad dalhin sa pinakamalapit na pagamutan subalit bigo na rin ang mga doktor na maisalba ang buhay nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?