88

Nov 20, 2019 @ 14:41
By

Negosyante kalaboso sa estafa

Arestado ang isang babaeng negosyante dahil sa 16 counts ng kasong estafa sa Cauayan City, Isabela noong Martes.

Itinago ng Cauayan City Police Station (CCPS) ang pakakakilanlan ng suspek sa pangalang Mila, 39, walang asawa, ng Del Pilar, Alicia, Isabela.

Ayon sa CCPS, si Mila ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na ibinaba ni Judge Raul Babaran ng Cauayan City Regional Trial Court Branch 19.

Sa court record, sinampahan ng patong-patong na kasong qualified theft ang suspek matapos itong manloko sa kanyang negosyo.

Naglagak si Mila ng P480,000 bilang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?