114
3 Badjao huli sa pagpatay sa pawikan
May 10, 2019 @ 19:44
By

Negosyante kalaboso matapos tangkaing buksan ang pinto ng eroplano

Bagsak sa kulungan ang isang pasaway na negosyante matapos magbanta na papatayin ang lahat ng pasahero sa pamamagitan ng pagbubukas sa pinto ng eroplano na nasa himpapawid na.

Ayon sa ulat, patungo ang eroplano sa Turkey mula sa Manchester.

Sa ginawang pagdinig, lumabas na hinawakan ni Linton Bryan, 34, ang passenger door handle at nagbanta na bubuksan ito.

Ito’y matapos niyang i-harass ang mga kapwa pasahero at staff sa apat na oras ng Thomas Cook flight.

Lumabas din sa imbestigasyon na lasing na si Bryan bago ang flight, na na-delay ng tatlong oras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?