231

By

Negosyante binaril ang karelasyong saleslady bago nagpakamatay

Natagpuang bangkay na ang isang 59-anyos na negosyante at hinihinalang karelasyon niyang 19-anyos sa loob ng sasakyan na naka-park sa Roxas, Isabela nitong Martes.

Kinilala ng Isabela police ang mga biktima na sina Tomas Greycochia, 59, biyudo, residente ng Barangay Rizal, Roxas; at Cristina Gragasin, 19, saleslady, taga-Barangay Nueva Era, San Manuel, Isabela.

Ayon sa ulat, nakita ang dalawa sa loob ng Toyota pick-up truck malapit sa parking area ng Myx Miniotel na may mga tama ng bala sa ulo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, maaari umanong nag-away ang dalawa, nabaril ng lalaki ang dalaga at nang mapatay ay saka naman nagbaril din sa sarili ang lalaki.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?