18

By

NCAA: Balanza, Letran nilapa ang Benilde

Sampa sa magic four ang Letran Knights sa first round eliminations ng 95th NCAA men’s basketball tournament matapos silang akbayan nina Jerrick Balanza at Bonbon Batiller sa 88-64 panalo kontra College of Saint Benilde Blazers Biyernes sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Bukod sa pagkalso sa kanilang two-game losing streak, binigyan ng Knights si Balanza ng magandang regalo sa kanyang kaarawan.

Kumana si Balanza 26 points mula sa 8-of-13 sa shooting habang 10 ang inambag ni Batiller para sa Intramuros-based squad na may 6-3 card.

Kumawala ang Knights sa mahigpit na pagkakakapit sa kanila ng Blazers sa third quarter nang magbomba ng 14-0 run at pumasok ng fourth quarter na tangan ang 24-point lead, 73-49.

Umabot pa sa 30 ang nilamang ng Letran, 82-52, matapos ang back-to-back treys nina Balanza at Jeo Ambohot.

“Aside from the win, gumanda ‘yung ranking natin, pero mas masaya ako kasi lumabas ‘yung laro namin na hinahanap ko dati pa,” hayag ni Letran coach Bonnie Tan.

Umaasa naman na madala nila ang kanilang panalo sa second round.

“Sana, peaking na nga kami. Alam nating mahaba yung liga, but we’re prepared for that,” ani Tan.

Nanguna sa opensa para sa Blazers si Kendrix Belgica na nagtala ng 12 markers, nalasap nila ang pangatlong talo sa siyam na salang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?