37
NCAA 94 Finals: Lady Chiefs, Lady Altas bigay-todo sa ‘G3’
By ,

NCAA 94 Finals: Lady Chiefs, Lady Altas bigay-todo sa ‘G3’

Patay kung patay ang defending champs Arellano University Lady Chiefs at University of Perpetual Help Lady Altas sa Game 3 ngayong araw ng NCAA Season 94 women’s volleyball championship series.

Tabla na sa 1-1 ang serye, unang nakaangat ang Lady Altas nang padapain ang defending champions sa loob ng apat na sets habang bumawi naman ang Lady Chiefs at tinabla ang serye nang makaalpas sa kanilang five-set match sa Game 2.

Ayon kay Arellano coach Obet Javier, malaki ang improvement ng Perpetual mula sa off-season.

“Dumating kami sa Finals napakalaking achievement na ‘to sa team ko kumbaga galing talaga kami sa wala, sa ngayon. Pero dahil sa gusto talaga nilang makagawa ng history sa school, sa NCAA pinipilit namin ‘yung dapat makuha para sa ekwelahan,” sabi ni Javier.

Sa panig naman ng Perpetual, siniguro na ni coach Macky Carino na maseselyuhan na nito ang kampeonato sa Martes.

“’Yan ang sinasabi ko, ‘yang team na ‘yan hindi basta-basta magpapatalo sa atin ‘yan. Ang motivation yan sa second game ay babawi at babawi ‘yan. Gagawa ng paraan yan kasi champion,” sabi ni Carino.

“Ayokong ipasok sa utak nila ‘yun, ‘yung agad-agad mananalo kasi defending champion ‘to eh. Sabi ko wala tayong ibang gagawin kundi paghandaan ang kalaban, paghandaan natin yung game.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?