48

By

NBL: Pampanga Delta, Taguig Generals agawan sa korona

Agawan sa korona ang Pampanga Delta at Taguig Generals sa best-of-three finals ng National Basketball League (NBL) season 2 simula sa Linggo sa Bren Z. Guiao Convention Center sa Pampanga.

“Even naman kami. Siguro breaks of the game na lang kasi ang preparasyon naman namin pare-pareho. Kahit sino naman dito ayaw patalo,” sabi ni Pampanga coach Alan Trinidad sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum, Martes sa Amelie Hotel-Manila kasama ang mga manlalarong sina Harryson Bautista, CJ Gania at Mark Tamayo.

Dumalo rin ang panig ng Generals sa pangunguna ni coach Bing Victoria at mga player na sina Helino Francisco, Kevin Oliveria at LJ Mayo sa weekly session handog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

“We’re really preparing for the finals kasi hindi naman basta-basta na team ‘yung makakalaban namin,” saad ni Francisco.

“Accept the challenge na lang and enjoy lang yung championship,” wika naman ni Tamayao.

Kasama rin ng dalawang koponan sa sports forum si NBL Vice President and Basketball Operations Head Edward Aquino.

“Kung sino ang mas may gusto, yun ang magtsa-champion,” sabi ni Bing Victoria na kapatid si former PBA star Boybits Victoria.

“Very consistent (ang Pampanga), magaling yung coach, marunong mag-adjust. Pero marunong din naman kaming mag-adjust kapag natatalo. So good luck sa amin. Parehong supported kami ng magagaling naming na mga mayors and governors. Well supported kaming dalawang teams.”

“Magandang laban ito,” sambit naman ni Trinidad, na malapit kay Pampanga governor Dennis Pineda. “We hope for the best.”

Mapapanood ang title series sa Solar Sports (Skycable Channel 70, Cablelink Channel 58, at iba pang cable TV providers nationwide at Facebook Live (facebook.com/nblphil).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?