255

By

NBI, may ‘persons of interest’ na sa pagdukot kay Fajardo

Tukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang persons of interest na nasa likod ng pagdukot sa negosyanteng si Allan Lumbres Fajardo, na dating assistant ng pinaslang na si Batangas mayor Antonio Halili.

Ani NBI-Special Action Unit executive director Kristine Dela Cruz, sa kabila na mayroon na silang leads ay hindi muna sila magbibigay ng impormasyon para hindi maapektuhan ang ginagawa nilang imbestigasyon.

Abril 3 nang dukutin si Fajardo sa isang restaurant sa Sta. Rosa, Laguna.

Noong gabi ng pagdukot ay may kikitain sana si Fajardo sa naturang restaurant pero hindi sumipot ang naturang tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?