38

By

NBI hahawak sa kaso ng pagpaslang kay Clarin Mayor Navarro

Tinanggap na ng Department of Justice (DOJ) ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipa-take over sa National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyong isinagawa sa pagpatay kay Mayor David Navarro ng Clarin, Misamis Occidental.

“Given the circumstances surrounding the killing of Clarin Mayor Navarro, the President’s directive for the NBI to take over the investigation of the incident should quell any doubts regarding this government’s commitment to solve the case and bring to account those responsible,” ayon kay DOJ spokesman Undersecretary Markk Perete.

Si Navarro ay tinambangan sa Cebu City nito lamang Biyernes ng mga hindi pa nakikilalang gunmen habang ito ay nakasakay sa police convoy papunta sa City Prosecutor’s Office para harapin ang kasong inihain sa kanya ng isang massage therapist.

Una rito ay iginiit ni Duterte na ipaubaya sa NBI ang naturang insidente matapos mapag-alaman na may kasamang kapulisan si Navarro ng mangyari ang ambush.

“To make it really fair, I’d like to order the police to terminate their investigations and hand it to the NBI whatever documents and/or proof or evidence that they have in their hands,” ani Duterte.

Suspetsa ni Digong, maaaring sangkot ang kapulisan sa nangyaring insidente

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?