218
arrested-
By

NBI agent arestado sa pag-arbor sa naarestong tiyuhin

Sa loob mismo ng Makati City Police headquarters, inaresto at pinosasan ang isang nagpakilalang intelligence officer ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos arborin ang kaso ng kanyang tiyuhin.

Kabilang sa walong naaresto sa ikinasang buy- bust operation sa Barangay Guadalupe, Makati City Lunes ng gabi ang tiyuhin ng NBI Officer 1 na si Monakiram Batabor, 39.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 1829 (obstruction of justice) at RA 3019 Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Batabor matapos kausapin ang arresting officer at tangkaing arborin ang kasong kinakaharap ng kanyang tiyuhin na si Manjale Currie, 47.

Si Currie ay kabilang sa walong naaresto sa buy-bust operation sa San Jose St., Barangay Guadalupe Nuevo ng nasabing lungsod dakong alas-otso ng gabi (Agosto 12).

Inaresto si Batabor sa loob ng tanggapan ng Makati City Police sa Makati Central Ayala Extension.

Kinumpiska kay Batabor ang kalibre 40, mga bala, NBI ID, PRC ID, BIR ID at Samsung cellphone niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?