468

By

NBA star posibleng pambala ng Serbia vs Team ‘Pinas

Isang NBA All-Star ang posibleng makaharap ng Team Pilipinas sa pagharap nito sa Serbia sa 2019 Fiba World Cup.

Sa katatapos lang na draw sa Foshan, China, Sabado ng gabi, nakagrupo ng Pilipinas ang fourth ranked ng Fiba na Serbia, pangatlo naman sa European zone sa ilalim ng Spain at France.

Hindi pamilyar ang Serbia at Pilipinas sa isa’t isa, hindi nagkaharap noong nakaraang edisyon ng World Cup.

Kung titingnan ang medal history ng European team, hindi dapat makampante ang PH Nationals kahit pa nakaiwas sa iba pang perennial powerhouse tulad ng USA, France at Spain.

Dalawang gold medal na ang natitigpas ng Serbia sa World Cup noong parte pa ng Yugoslavia, wagi rin ng silver medal sa 2014 edition ng torneo.

At kung titingnan, wala pa ang pinakamahusay na Serbian player sa kanilang lineup na ngayon ay nagpapakitang-gilas na sa NBA team na Denver Nuggets.

Si Nikola Jokic, 2019 All-Star at isa sa NBA Most Improved finalist noong nakaraang season, ay posibleng sumalang sa Serbian national team sa Setyembre sa China.

Sa panayam kay Serbia head coach Sasa Djordjevic, isa si Jokic sa binanggit na pangalan bilang mga susunod na lider ng national team.

Bukod kay Jokic, kasama rin sa nabanggit ang Sacramento Kings forward Bogdan Bogdanovic sa napipisil na mamuno sa Serbia sa mga susunod na taon.

“From 2022, Bogdan Bogdanovic will probably be one of the national team leaders along with Nikola Milutinov, Nemanja Nedovic and Nikola Jokic,” ayon sa Serbian coach sa panayam ng Trener noong nakaraang taon.

“They will have to continue with the young ones and to, as the more experienced, include them so they can carry out the next cycle of around four, five years,” aniya pa.

Ngayong season, nag-aaverage si Jokic ng 20.2 points, 10.8 rebounds at 7.6 assists si Jokic, naitawid ang koponang Denver Nuggets sa second seed sa star-studded na Western Conference, 45-22, sa ilalim ng defending champs Golden State Warriors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?