19

Mar 26, 2020 @ 13:33
By

NBA player Wood, nakarekober na sa COVID-19

Tuluyan nang gumaling ang Detroit Pistons center na si Christian Wood mula sa coronavirus.

Kinumpirma ito ng kanyang agent na si Adam Pensack sa Detroit Free Press na maayos na umano ang kalagayan ng kanyang manlalaro.

Matatandaan na nagpositibo si Woods sa COVID-19 noong March 14, matapos magsimula ang testing sa NBA nang matamaan si Utah Jazz star Rudy Gobert ng nasabing sakit.

Nagkaharap sina Wood at Gobert apat na araw bago masuspende ang NBA season, kung saan nagtala ito ng 30 points at 11 rebounds.

Si Wood ay nag-self-isolate at mahigpit na tinutukan ng team medical staff para masiguro ang kalusugan nito.

Sampung manlalaro sa NBA ang nagpositibo sa COVID-19, lima dito ay kinilala. Natamaan din ng coronavirus sina Donovan Mitchell, Marcus Smart at Kevin Durant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?