6,379

By

NBA legend Kobe Bryant, anak, 7 pa patay sa bumagsak na helicopter

CALABASAS, CALIFORNIA – Patay sa helicopter crash ang NBA Legend na si Kobe Bryant, 13 anyos na anak nitong si Gianna Maria Onore kasama ang pitong iba pa pasado alas-10 ng umaga nitong Linggo, Enero 26 sa Calabasas, California .
Patungo sana  sa basketball game ni Gianna  sa Thousand Oak, California ang mag-amang Bryant ng magkaproblema ang sinasakyan nilang isang Sikorsky S-76 helicopter.

Ayon sa Los Angeles County Sheriff office nakita pa ng mga nagbibisikleta malapit sa crash site ang chopper nina Bryant na pagewang-gewang sa ere bago ito tuluyang bumagsak at sumabog.

Ikinabigla naman ng mga kaibigan ni Bryant ang trahedya.
Sa Denver,Colorado kung saan ginanap ang laban ng Houston Rockets at Denver Nuggets ay agad nag-alay ng moment of silent kay Kobe na tinaguriang Black Mamba.
Sa inilabas namang statement ng NBA Players Association “Stunned and Devastated” ang buong manlalaro sa biglaang pagpanaw ni Kobe.
Napahayag na rin ng pakikiramay sa mga naulila ni Kobe si dating US president Barrack Obama sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.
Naulila ni Kobe ang asawa nitong si Vanessa at tatlong anak na sina Natalia 17, Bianka 3 at Capri na kapapanganak noong June 2019.(Dave Llavanes Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?