2,831
NBA guard nagsalita: Isaiah Thomas nanggalaiti kay Abueva
By

NBA guard nagsalita: Isaiah Thomas nanggalaiti kay Abueva

Kilala na ngayon ng mga NBA player si Calvin Abueva, hindi dahil sa galing nito sa basketball kundi dahil sa kinasangkutan nitong gulo kasama ang ex-NBA forward na si Terrence Jones.

Nai-tweet ng NBA on ESPN ang ginawang pag-clothesline ni Abueva kay TNT import Jones, na umani ng samu’t saring reaksyon sa basketball scene.

Una nang nag-comment sina Matt Barnes at Fil-Am Cavaliers guard Jordan Clarkson sa insidente, sunod naman ang Denver Nuggets guard na si Isaiah Thomas.

“I woulda beat his ass!!!” ayon kay Thomas.

Nang tanungin kung sino ang kanyang babanatan, other dude ang tugon nito patungkol kay Abueva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?