132
NBA dream susungkitin! Kai Sotto aalis sa ‘Pinas

NBA dream susungkitin! Kai Sotto aalis sa ‘Pinas

Iiwan na ni Kai Sotto ang Ateneo para maglaro sa ibang bansa.

Ito ay kanyang inanunsyo sa kanyang Instagram matapos ang usap-usapan na may ilang European at American team na gustong kumuha sa kanyang serbisyo.

“Nakapag-decide na po ako at ang pamilya ko. I’ll be leaving soon to start training full-time. I want to devote the next two or three years to single-mindedly focus on my goal of joining the NBA by 2021 or 2022.”

Kanilan umanong pinag-isipan nang mabuti ang nasabing career move at nangakong hindi lamang ito para sa personal na interes kundi pati na rin sa PH national team.

“Para poi to sa future ko, ng pamilya ko, at especially po, para sa Batang Gilas. Gilas Pilipinas at higit sa lahat, para sa bayan!”

Pinasalamatan din ni Sotto ang kanyang mga nakasama sa Ateneo at hiniling ang suporta ng mga Pinoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?