66

NBA ‘di ramdam ng mga Pinoy

Kasagsagan na pala ng 2019 NBA season sa Amerika pero hindi pa masyadong feel ito sa TV sa buong bansa. Hinaing ng isang mambabasa ng Abante, sira ang bonding nila ng mga anak niya dahil ang libreng telecast daw ng games sa TV noon ang paborito nilang libangan ng mga chikiting niya.

Ngayon daw ay kailangan pa mag-load ng sandamakmak para may data siyang pampanood sa Twitter o Facebook, dahil mahina ang reception sa bahay nila sa CNN.

Pinili raw kasi ng NBA Philippines na sa CNN Philippines magpalabas ng laro kung saan nagbabayad daw sila ng kalahating milyon kada game? Totoo ba ‘yon?

Anyway, giit pa ng netizen, sana ay maisip daw ng NBA na mas marami sana ang makapapanood ng mga game kung sa TV5 o kaya sa ABS-CBN ipapalabas ang kanilang mga laro. Mas maraming viewers daw kasi ang dalawang network kesa sa CNN Philippines.

Tanong ng netizen ay kung wala na bang pag-asa maibalik ang NBA sa ABS-CBN para sa mga masang Pilipino? O kahit daw sa TV5 kung saan napapanood din ang PBA.

Siyempre, hindi ko masagot ‘yan, dahil wa ako knows sa sports-sports na ‘yan, pero nabasa ko lang na nakikipag-negosasyon daw ang Cignal at Sky sa NBA ngayon para mapalabas sa cable TV at sa free TV stations na TV5 at ABS-CBN?

Pero ‘yun lang, mukhang malabo raw dahil 3x daw ang itinaas ng presyo ng NBA Philippines na kung tanggapin nila ay ikalulugi nila.

Naku, sana ay maayos din ito, dahil baka mawalan ng gana ang mga Pinoy, at makalimutan na ang NBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?