56

By

NBA-caliber ulit! Alonzo Gee salang sa Phoenix

Kung noong nakaraang season ay nasaksihan ang salpukan nina dating NBA player Terrence Jones at Chris McCullough, ganito rin ang magiging eksena ngayon sa 2019 PBA Governor’s Cup.

Kung ang TNT ay may KJ McDaniels, habang ang NLEX naman ay nasungkit si Manny Harris, hindi naman nagpahuli ang Phoenix Fuel Masters sa pagkuha ng isa pang legit na NBA player.

Tinapik ng Phoenix ang 32-year old na si Alonzo Gee bilang kapalit ni Eugene Phelps, si Gee ay dating nakapaglaro sa ilang koponan tulad ng Washington, Cleveland, Denver, Portland at New Orleans.

Huling naglaro si Gee para sa Brisbane Bullets, kung saan nag-average lang siya ng pitong puntos kada laro, at hindi rin nagtagal dahil apat na laro lang sumalang ang Amerikano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?