53

By

Nawawalang Grab driver na-rescue ng PNP

Nailigtas ng mga operatiba ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang Grab driver na naiulat na nawawala habang anim na umano’y kidnapper ang naaresto.

Kinilala ang Grab driver na si Eugene Santos, 39, na nasagip sa Arnaiz Avenue sa Pasay City noong Setyembre 6 kasama ang isa pang biktima na si Allan Bangug.

Dinukot umano si Santos ng mga suspek noong gabi ng Setyembre 5 at sinabing magbayad ng P1.8 milyon o titulo ng lupa.

Bago ang pagdukot, isa umano sa mga suspek ang inutangan ng biktima ng P2 milyon para gamitin sa kanyang buy and sell business.

Patungo na umano ang mga suspek bitbit si Santos sa isang coffee shop sa hotel casino sa Pasay para kunin sa pamilya ng biktima ang titulo ng lupa kapalit ng kanyang kalayaan.

Pero bago dumating sa napagkasunduang lugar, nagkaroon ng pagkakataon ang mga pulis sa sasakyan ng mga suspek kaya na-rescue ang biktima.

Nadakip sa insidente sina Reynaldo Parolina, 41; Rico Castillo, 45; Nathaniel Aragon, 35; Christopher Bagro, 38; Francis Reyes, 41; at Melvin Culala, 39. Nakumpiska sa kanila ang isang baril at bala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?