166
4 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa burol
By

Navy officer patay sa ambush sa Zamboanga City

Patay ang isang opisyal ng Philippine Navy matapos na tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding in tandem na mga suspek kamakalawa ng gabi sa Zamboanga City.

Dead on arrival (DOA) sa Zamboanga City Medical Center (ZCMC) matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktimang nakilalang si Col. Nestor Tenorio Yapit, 53, residente ng Sangley Point, Cavite City at kasalukuyang nakadestino sa Provost Marshal ng Philippine Navy Western Mindanao Command.

Sa inisyal na ulat ng Zamboanga City Police Provincial Office, naganap ang insidente dakong alas 7:51 ng gabi sa kahabaan ng Veterans Road malapit sa Exit ng ZCMC.

Napagalaman na lulan kanyang Honda van ang biktima at tinatahak ang nabatid na kalsada ng sabayan umano ito ng mga armadong suspek lulan ng motorsiklo at malapitang pagbabarilin.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang sinubukan pang dalhin sa nabatid na pagamutan ang biktima subalit idineklara na itong DOA ng sumuring doktor.

Nakuha naman ng lugar ng insidente ang dalawang basyong bala at isang slug na hindi pumutok mula sa kalibre .45 baril.

Ayon sa Zamboanga City PPO, isa sa tinitignan nilang anggulo sa pamamaslang ay personal na alitan subalit patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pamamaslang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?