52

By

Navotas may pa-drone show

Nasa 14,000 katao ang saksi sa drone show sa Navotas Centennial Park upang ipagdiwang ang ika-114 anibersaryo ng pagkakatatag ng Navotas.

Samantala, 180 drone naman ang sumayat bumuo ng mapa ng Navotas, isda, barko, at mga gusali na sumisimbolo sa lumalagong industriya ng pangingisda sa lungsod.

Parte ang drone dance ng Variety Show at Grand Fireworks Display na ginagawa sa Navotas kada Enero 15 para sa Pangisdaan Festival.

Ilan sa mga nagtanghal sa palabas sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte,
Rayver Cruz,
Zephanie Dimaranan,
Michael Pangilinan,
Jericho Rosales at December Avenue.

Naroon din sina Jana Agoncillo, Kyline Alcantara, Andrea Torres, Negi at Pepay, at MC at Lassie.

Nagsimula ang Pangisdaan Festival noong Enero 10 sa isang Street Dance Competition sa mga public high school, na sinundan ng pagbubukas ng Kalye Fiesta at awarding ng Top 20 Business at Realty Taxpayer.

Naganap din ang Pangisdaan Festival Motorcade at Boodle Fight, Aero Zumba Competition, Araw ng Mangingisda, Misa ng Pasasalamat at Pistang Kristiyano.

Maging ang Pamilyang Navoteño Fun Day, 4th Navotas Invitational Motor Show at Mutya ng Navotas 2020 kung saan dumalo sina Robi Domingo at Toby Labrusca.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?