176

By

Natupad ang childhood dream: Iñigo Pascual nag-perform sa NBA

Pangarap ng maraming singer ang makapag-perform sa halftime show ng kahit anong liga, ngunit ibang lebel kapag nakatungtong sa NBA.

Ito ang naabot ng Pinoy actor at performer na si Iñigo Pascual, na kinanta ang kanyang hit single na ‘Dahil Sa’Yo’ at ‘Catching Feelings’ sa halftime show ng laban sa pagitan ng Clippers-Thunder game.

Sa nasabing laro, ni-launch din ni Iñigo ang kanyang bagong music video, kasabay ng Filipino Heritage night kung saan nagwagi ang Clippers, 90-88.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?