18

May 21, 2020 @ 9:09
By

Nat’l athletes, bibigyan ng bisekleta

Inihayag ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa mga pambansang atleta na nasa sports na kabilang sa Olympic program ay bibigyan ng tsansa makakuha ng libreng bisekleta na magaganit nito para sa kanilang pagsasanay.

“With the new normal which mandates we find new ways to go about our daily business, national athletes who do not have a personal mode of transportation will surely benefit from this. Bicycling is not only a healthy way to get from one point to another, it also promotes social distancing, not to mention a means to avoid traffic”, sabi ng Tagaytay City congressman na president ng national sports association sa cycling.

Sinabi ni Tolentino na agad din niyang hihingin ang pag-apruba ng POC Board para sa 100 bicycle units.

Gayunman, ang mga atleta na nagnanais na mag-avail sa programa ay kailangan na mag-apply sa POC, na siyang magtatakda sa mga bisekleta base sa kung sino ang mas nangangailangan at sa “first-come-first-served” basis.

“We need to be innovative so the POC is looking for ways to allow our athletes to stay fit and ready for competition once the situation allows it. Obviously bicycling, whether to commute to and from their training venues or even for leisure, is a good way for our national athletes to keep in good physical condition”, sabi ni Tolentino.

Mayroon sa kasalukuyan na mahigit na 800 pambansang atleta ang kabilang sa 56 na regular na miyembrong national sports associations (NSAs) sa ilalim ng POC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?