139

Nathalie Hart hiwalay na sa tatay ng anak

“It wasn’t working, it wasn’t a happy home. It’s better for us to have separate lives for my daughter to have a happy environment.”

Kinumpirma ni aktres Nathalie Hart sa “Tonight With Boy Abunda” na “naghiwalay na sila ng landas” ng tatay ng kanyang panganay na si Penelope.

Kwento ng nagbabalik na aktres, “presonal differences” ang ugat ng paghihiwalay nila. Gayunman, desisyon naman aniya nilang dalawa ang break-up.

“There’s no unity in the relationship and I wanted to be respected. I wanted to be loved the way I love that person. Gusto ko ganun, pero hindi ‘yun ang nakikita ko. He is the father of my child I love him, and that’s it for now,” lahad ni Nathalie.

Sa ngayon, aniya, nasa moving on stage pa rin ang “Barbara Reimagined” star at nais na paglaanan ng kanyang buong panahon kay Penelope.

“I’m still healing. I just thought ito ‘yung tao para sa akin talaga,” ani Hart.

“For me, I just want to put all my time for my daughter talaga. If there’s no communication in the relationship, parang nagsasayang lang kayo ng oras talaga,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?